Manila, Pilipinas - Hinamon ni Presidente Rodrigo Duterte si Communist Party of the Philippines
(CPP) founding chair Jose Maria Sison na umuwi na sa Pilipinas galing Netherlands
upang lumaban.
"I
dare you as a leader of the Communist Party, I dare you come home and fight
your war here. Kasi ako nandito. Gusto mo tayong dalawa?" sabi ni Duterte sa
interview kasama ang mga reporters doon sa Guihulngan, Negros Oriental. Kung
saan binisita ng Presidente ang 6 na pulis na namatay sa pag ataki ng NPA sa Guihulngan,
Negros Oriental. Nagbigay ang Presidente ng P520,000 pinasyal at livelihood
assistance para sa mga pamilyang naiwan.
Ipinaalam
ni Duterte na iniabandona na niya ang peace talks sa mga rebelde, sabi niya,
kung talagang matapang at hindi duwag si Sison pumunta siya dito sa Pilipinas
at huwag magtago sa Netherlands, habang ang mga rebeldeng New People’s Army (NPA) ay ibinubuhis ang
buhay para sa kanilang idelohiya. “Huwag ka magpasarap, umuwi ka. Lahat ng
gusto mo mga galing sa negosyo dito because of taxation. Kayong mga nasa taas,
ang lalaki ng allowance niyo,”
“If you are truly a revolutionary leader, come
home and fight here. All these years nandon ka sa ibang lugar. Iyung mga dito
na mga NPA, nangamatay na,” the President said.
“Magre-rebolusyon
tapos nagatago sa ibang lugar. Dito tayo. Umuwi ka, ako ang magsalubong sa iyo,”
dagdag ni Duterte.

Comments
Post a Comment